Kampanya ng Ebanghelisasyon sa Pilipinas 01-02-03- Setyembre 2019 sa mga social network

 

 Pilipinas 01-02-03- Setyembre 2019 sa mga social network

Ang Kuwento Isang Pagbabagong buhay 

Image campagne Facebook

Testimony of the Evangelist
10.000.000 ( Tatnong Milyon) katao ang narating ng testimonyang “Agawin sa Koridor ng Impiyerno” mula sa araw na eto ng taong 2019.
Pagkatapos ng nasirang pagkabata, mula sa isang namimighating pamilya, pagkatapos ng gutom, kahirapan at kahihiyan, nakilala ko ang katanyagan, pera, kasaganaan at nagtagumpay na mga negosyo pero hindi pa rin ako masaya at lahat ng ito ay humantong sa tinawag kong “koridor ng impiyerno” → pagkaluklok sa masasamang gamot→ prostitusyon → homosekswalidad …. At sa huli nagwakas lahat ng naimpundar ko, nawala lahat ng mayroon ako, at lubos-lubos ng nawasak ang buhay ko.
Pinag-isipan ko ring wakasan ang aking buhay sa pamamagitan ng pagpapakamatay… sa pagharap ko itong kahanga-hanga na pakikitagpo ay nagbago ang aking buhay. Ngayon ang aking istorya ay nababasa na sa buong mundo ng libo-libung katao.
Gusto kong ipamahagi ang aking maliit na libro na libre. Maiksi at madaling intindihin at mahahanap mo ang mga sagot na gusto mong himukin.
Pwede mong kopyahing libre:
Tagalog version free download

English version free download, 12 languages available here
clic here

PAUNAWANG SALITA

Pinag-isipan kong mabuti eto bago ko pinagdesisyunan na isulat ang aking kuwento ng aking buhay, para sa simpleng rason na makalimutan ko ang aking nakaraan, pero aking natanto na hindi ko maitatago itong natatangi at nakakaibang karanasan sa aking buhay, at dapat lang na maibahagi ko para makatulong sa kakila-kilabot na pagkabalisa.

Ang aking karanasan ay makakatulong sa iba pero hindi ko ito maidetalyeng mabuti ang ibang eksena ng aking buhay kasi mahirap ilarawan ang kinikilingan ng layunin etong kuwento ko na mabigyan ng pag-asa sa mga walang inaasahan sa buhay. Ako ay kumbinsido na pagkatapos basahin ang mga linyang ito, kung kinakailangan mo ang mahabang pagbabago ng buhay, asahan mo ang pambihirang mangyayari sa iyong buhay, bagong pagsilang, bagong buhay at bagong simula ng iyong buhay.

« Masiyahan kayo sa inyong Pagbabasa! »

Sa pamamagitan ng mga linyang ito, gusto kong ibahagi ang naging buhay ko hanggang sa wakas na natagpuan ko ang tunay na katotohanan at kahulugan ng buhay. Hindi madali ang tumingin sa nakaraan lalo’t lalo na kung ito’y namamanglaw at masakit na karanasan, pero ako ay kumbinsido na gagawin ko upang magpakatotoo at maipahayag ang pasasalamat sa isang nagtayo muli sa aking buhay. Ngunit kung sino o kung ano ang maaaring magtayo muli ang isang buhay na bumagsak na wala ng pag-asa na naiwan, walang isang makakatulong sa iyo pataas at kapag ang iyong kalungkutan ay nanaisin mong wala ng ibang paraan kundi kamatayan para maging malaya sa wakas?

Kung minsan naitatanong ko ang aking sarili kung bakit pa ako ipinanganak sa mundong ito, ano ang layunin ng pagtatagal ko sa mundong ito na punong puno ng kalungkutan!! Mula sa araw na ako’y ipinanganak, laging galit at pagkabigo ang aking nararanasan, pagkaunawa ay naganap sa isang naiibang sistema.

Ang sabi nila, ipinanganak tayo sa isang mapalad at kapus-palad na bituin. Pero kung sa akin, ang sagot ay napakadaling hanapin. Ang pagkapanganak ko ay matatagpuan sa pinakapus-palad na bituin na umiiral kailanman.

Tulad ng iba pang kababaihan, ang akala ng aking nanay ay nakahanap na siya ng lalaking walang kapares… na hihintayin sa kanyang pagdating, na gagawin lahat para sa pamilya, at umuwi na may dalang isang bungkos na mga bulaklak. Pero napakalayo mula sa katotohanan at masyadong mabilis sa aking ina na maisasakatuparan ng aking ama na isang napaka-nerbiyoso at agresibong tao at mas mahirap unawain kung anong klase siyang kasama.

Buhay sa bahay ay matigas at malungkot at ang mga bagay ay hindi pumunta sa mas mahusay sa paglipas ng mga panahon…araw araw, buwan matapos ang buwan, lokal na kaguluhan ay nagaganap, karahasan ay araw-araw na nangyayari.
Kami ay mahirap makaranas ng anumang sandali ng kapayapaan at kagalakan at ang aming pamilya ay lumuluha at bihirang makaranas ng pagngiti. Mga luha madalas bumababa sa aming mga pisngi na hindi nararamdaman.

Maraming taon pagkatapos ng mga katotohanan kumislap ang aking nakaraan na nangingibabaw sa aking mga alaala kahit na apat (4) o limang (5) taon lang akong bata noon.

Mayroon pa akong naalaala sa aking isipan dahil kapag ang isang bata ay nasasaktan at nakikita niya ang kanyang ina na naabuso, ito ang mga dahilan kung bakit hindi matangal-tangal sa kanyang isipan habang siya’y nabubuhay, at dahan dahang maglukluk sa kanya sa depresyon, at maraming malalalim na truma at iba’t ibang karamdaman sa katawan.

Ito ay sa edad na 7 ko naramdaman ang pinakamahirap at pinakamasama sa aking buhay, at sa panahong eto pinamagatan ko ang aking buhay « ang unang koridor ng impiyerno ».

Kung ako ay nagkamali sakaling nabubuhay pa ang aking ama, sinasaktan na naman ako. Walang kapayapaan ang naging buhay ko, at lagi kong tinatanong ang sarili ko kung papano ko siya lalapitan, kung papano ko siya kakausapin, kung tama ba itong oras na eto ko siya lalapitan… na hindi ako laging nape-presyon at meron itong masamang epekto sa aking sarili. Araw-araw, nagiging makasarili ako, laging galit at laging hindi mapakali sa mura kong pagkabata.

Lagi kong naaalala ang mga araw kung papano magalit ang aking ama, susunggaban ako sa buhok, at itataas niya mula sa sahig at marahas na itatapon na parang basahan. Luha ko’y palaging tumutulo sa aking mga pisngi, nagiging matakutin at punong puno ako ng galit…masakit ang aking ilong na basag at hindi ko maihiga ang aking ulo sa aking unan, sa sobrang sakit dahilan sa hematoma. Sa araw na iyun, tinititigan ko ang aking ama, at sinabi ko sa kanya, « Daddy, makinig kang mabuti sa aking sasabihin sa iyo, pinapangako ko sa aking sarili na pag ako ay nasa 18 gulang na, papatayin kita ».

Ang mga salitang iyon na nasabi ko ay kalagim-lagim mula noon hangang ngayon. Lumipas ang mga taon at ito’y walang pagbabago. Karahasan ay paulit-ulit na nangyayari sa aming buhay. Pero mula ng umalis at lumayo ang aking ina kasama ang kanyang mga 3 anak na may gulang 4, 8 at 9 diyan na ang unang araw na ang aming paghihirap ay nagwakas.

Pero, kailangan kong magpunyagi para may makain kami. Ang aming ina ay nagtatrabaho lamang ng ilang oras sa isang linggo na taga paglinis, kami’y nabubuhay sa sobrang kahirapan na kung minsan wala na rin kaming makain. Sa murang edad kong 11 o 12, ako’y natatrabaho sa napakahabang oras para lang magkaroon ng perang iuuwi sa bahay.

Sa kabila ng lahat ng paghihirap na napagdaanan ko sa aking buhay, ako’y naging palaban at gusto kong magtagumpay sa buhay. Ito ay hindi madaling gawin, punong puno ng lungkot at luha, pero ito ang dahilan para maging mabuti akong bata at nagbukas na maging malakas ang loob ko na hindi matakot magtrabaho kahit mahirap para lang maibigay ko ang kinakailangan ng aking pamilya.

Nang nagkaedad na ako, nagpasya ako na isang araw makikilala akong tao. Natanggap akong salesman sa isang kilalang House and Security Equipment Company. Mabilis ang mga pangyayari at ako ang naging pinakamahusay sa lahat at napakataas ng aking suweldo sa mga araw na yaon. Pinanalunan ko lahat ng mga paligsahan ng mga salesman sa aking departamento kung saan ako nailagay at nakapunta sa iba’t ibang bansa sa buong mundo at nakita ko kung gaano kaganda ang mga bansang Morocco, Switzerland, Spain at Greece.

Ito ang pinaka magara na panahon ko. At lahat ng mga bagay ay humusay sa wakas. At pakiramdam ko masayang masaya na ako.

Pero sa lahat ng ito, hindi pa rin ako nakuntento sa meron ako. Ang paghihirap ng isang naabusong bata, ang pagiging kawalan ng kapanatagan at ang paghihirap na naranasan ko sa nakaraan ang nag udlot sa akin na gusto
Pero sa lahat ng ito, hindi pa rin ako nakuntento sa meron ako. Ang paghihirap ng isang naabusong bata, ang pagiging kawalan ng kapanatagan at ang paghihirap na naranasan ko sa nakaraan ang nag udlot sa akin na gusto

Nakipagsosyo ako sa isang Video Rental na negosyo at ito’y matagumpay naman. Napakinabangan at nagbigay ng maraming pera pero hindi pa rin ako nakuntento. Kaya, nagtayo ako ulit ng Real Estate Company at ito’y mabilis na umunlad at sobrang maraming pera ang pumapasok. Pagkatapos, nagtayo ako ulit ng pagawaan ng ginto at segundamanong mahahalagang riles para ipagbili sa mga gumagawa ng ginto at iba’t-ibang alahas.

Kayo na ang bahalang mag-isip kung magkanong pera ang pumapasok sa negosyong ito.

Ang aming kinikita ay napakaimportante ngayon, pero nakakahiya mang sabihin kung magkano talaga ang kinikita ko.

Sa lahat na naging negosyo ko, nakilala ang pangalan ko at naging napakaimportante ko sa mundo ng mga negosyante sa buong mundo.

At sa edad na 20 o mas matanda, nakuha ko lahat-lahat na ginusto kong mangyari sa aking buhay.

Nagkaroon ako ng magarang sasakyan, malaking bahay na may swimming pool, bangka at iba pa…
Lagi akong lumalabas, nagtatapon ng pera kung saan- saan… nagsasaya sa buhay.

Hindi ko na ulit namalayan at unti-unti na naman akong nalululong sa « ikalawang koridor ng impiyerno ». Alam nating lahat na kung marami kang pera marami kang kaibigan at mabubuhay ka hanggang saan mo gugustuhin.

Sinimulan ko ang nakipag-ugnayan sa katakot-takot na mundo na ni isa walang gustong sumama o kaya’y nakakaalam.

Ang aking pera at ang aking reputasyon, ang pagkauhaw ko sa kaligayahan at ang sobrang paglabas labas ko ang rason kung bakit ako nagkaroon ng maraming kaibigan, pero anong klaseng mga tao !

Ang mga naging kaibigan ko ay galing sa prostitusyon at homoseksuwalidad. Lumalabas ako kasama ang mga batang babae’t lalaki na tinatawag na kalapating mababa ang lipad at nagdodroga.

Mga alak ay sobrang tumutulo at mga kasiyahan ay nagtatagal kung ilang araw at doon ako nasisiyahan at sa wakas naramdaman ko kung gaano kasaya ang pakiramdam ko sa mga ginagawa ko.

Umuuwi ako na sobrang pagod, at ito lang ang ninanais kong kasiyahan para makalimutan ko ang lahat ng pag-aalala at diin ng aking buhay. Ang pagkahulog ko sa koridor ng impiyerno ay nagsisimula na……

Maalala ko na isang gabi na nagkaroon kami ng kasiyahan sa isang nightclub, alak at droga ang unang makikita mo doon. Unti-unti, karamihan sa mga tao ay nagpupunta sa parking area sa labas. Pumunta rin ako doon, nakiusyoso at napansin ko na may isang lalaking nakalatag sa semento at aking nakilala na isa sa mga kaibigan ko. Nagturok ng heroina at nagkaroon ng sobrang dosis sa sarili. Naroon lang siyang unti-unting namamatay at wala kaming magawa. At kitang kita ng sarili kong mata kung papano ang paghihirap at pagkamatay niya.

Pagkalipas ng mga pangyayari, naramdaman ko ang galit at pagkabalisa. Nawalan ako ng gana sa lahat-lahat. Kahit nasa akin na lahat na gusto ko, pero malungkot at walang kalaman-laman ang puso ko. Naramdaman ko ang pag-iisa at walang bisa ang nasa loob-loob ko.

Naramdaman niyo na ba na para kang nagmamaneho ng sasakyan sa napakahabang kalsada, na hindi mo man lang alam kung saan ka pupunta o kaya’y saan ka makakarating? Ganyan ang naramdaman ko sa araw na iyon.

Ang kalagayan kong ito ay nagtagal ng ilang taon at hindi ko naramdam ang tunay na sandaling kaligayan at madaliang mawalan ng kagalakan. Palagi akong naghahanap para sa bagong mga bagay, isang bagay na maaaring magbigay ng tunay na kahulugan ng aking buhay. Naniniwala ako na darating ang panahon na matatagpuan ko rin ang hinahanap kong buhay at sa wakas, nakilala ko ang aking kasintahan na nagbigay sa akin ng anak na babae na pinangalanan ko ng « Vanessa » pero mabilis ang paniniwala ko na mali ang aking naging mga akala.

Nabuo ko ang sarili ko na magkaroon ng mainit na pugad kung saan maging maligaya na at kung pagdating ko sa bahay galing trabaho, nagagawa kong maging masayang ama at mapagmahal na asawa, bagama’t sa likod ng lahat ng ito ay nanaig ang malalim na pagkalito at pagkabigo. Nakatira pa rin ako sa dobleng pamumuhay sa aking mga kakilala at mga kaibigan sa mundo ng kadiliman.

At hindi ako nasorpresa ng sabihin sa akin ng aking kasintahan noong isang gabi ng December 1991, na iiwanan na niya ako para sa ibang lalaki…ito ang pinakamalalang hindi ko inaasahan na mangyayari…

Makaraan ng ilang linggo siya ay umalis at kailangan kong harapin itong mahigpit na pagsubok, isa pa, parang hindi pa sapat ang mga pagsubok na aking naranasan, parang hindi pa sapat ang mga pinagdusahan ko sa buhay.

Pagkaraan ng ilang mga araw pagkatapos ng hiwalayan, ay araw ng galit at malalim na kalungkutan.

Pagkatapos, kung mababasa niyo, na ang mga negosyo na itinayo ko ay bigla lahat gumuho na parang bahay ng mga baraha!!

Ang una kong negosyo kung saan ako nakipag-ugnayan ay nagkaroon ng malaking problema ang pinakamalaking kasosyo ko, at pinili niyang bawiin ang lahat at iyan ang unang hakbang ng isang serye ng kaganapan na bagay na maaring nagpabago sa aking buhay.

At sumabay din ang aking Real Estate Company na nagpakita ng hindi magandang resulta kaya napilitan akong ibenta kesa mapunta sa wala, at para maiwasan ang pagkalugi nito at ang ikatlo ang ginto at mahahalagang metal na negosyo, ay nagsara din dahil sa maling paggamit ng pondo at yaman ng kompanya ng isa sa aming kasosyo na may malaking parte. Pumunta sa ibang bansa at lahat ng transaksiyon ay natigil na.

At kung paano ko nahanap ang aking sarili sa lahat ng meron ako ay biglang nawala sa akin. Wasak na wasak na ako at walang natira sa akin kahit isa. Ngunit sa lahat ng sinasabi ko sa mga naunang linya nito, sa kabila ng lahat nitong nakakapinsala at hindi kayang unawaing sitwasyon, isang bagay ang sanhi sa akin, lahat ng bagay ay nagaganap sa isang pambihira at hindi inaasahang paraan.

Isang gabi, sa aking pag-iisa sa terrace ng aking inuupahang bahay, sa pamamagitan ng pagkabalisa at kalungkutan, luha ay unti-unting tumutulo sa aking mga pisngi. Ako ay nakaharap sa wala sa unang pagkakataon.

Hindi ako matigil sa pag-iyak, ang buong buhay ko ay nakikita ko sa harap ng aking mga mata at alam ko na heto na ang huling araw ko dahilan sa nakadesisyon na akong tapusin ang buhay ko. Walang magawang kahulugan at hindi na mahalagang ituloy pa ang buhay.

Ang buhay ko ay punong-puno ng makakapal na kadiliman. Hindi ko nakikita ang anumang daraanan palabas. Ako ay wasak na wasak, masyadong malungkot at parang mayroong pader na nakaharang sa aking harapan na nakatayo at napakataas na wari’y hindi ko na nakikita ang liwanag.

Nakatingin ako sa kalangitan at ako’y sumigaw ng malakas sa tuktok ng aking baga, at sinabi ko, kung umiiral ka Panginoon, ipinamamanhik ko sa iyo na gawin ang isang bagay para sa akin, tulungan mo ako o kaya’y tatalon ako dito sa gusaling eto, nakikiusap po ako, at sa mahabang oras inuulit kong sinasabi ng pauli-ulit na
gawin ang isang bagay para sa akin, ipinamamanhik at nagmamakaawa ako…

Walang maaring aaliw sa akin at hindi ako makatayo sa sakit. Nagtitiis ako sa hirap at tanggapin ang desisyon na tapusin ko na ito.

Bigla sa ilang sandali, nakaramdam ako ng malalim na kapayapaan na tumatalo sa akin. Humintong tumulo ang aking mga luha at alam ko narinig ako ng panginoon. Hindi ako makapaniwala at maipaliwanag na may mga bagay na nangyayari sa akin. Nakaramdam ako ng liwanag na parang nakatanggap ako ng magandang balita at pagkatapos naibalik ang aking pag-iisip nakatulog na ako.

Mula noon, nagbago na ang aking buhay, at isang bagay ang nangyari sa akin. Tila ang aking sigaw at pagkabalisa ang nag-udyok sa puso ng Panginoon na baguhin niya ako at ang masasabi ko ngayon ay sosorpresa sa inyo, at maniwala kayo o hindi, ang unang bagay na ginawa ko kahit na mahirap gawin ay kapayapaan. Nagkaroon ako ng kapayapaan.

Pagkatapos, nakipag-usap ako sa aking pamilya sa pamamagitan ng telepono na nakatira sa New Caledonia. Nalaman nila lahat ang mga nangyaring paghihirap ko sa nakaraan. At sinabi nila na dapat lang na uuwi ako at gugulin ang ilang araw at oras ko sa kanila. At ginawa ko yun at tumira ng ilang buwan sa kanila.

Nagpagawa sila ng kubo para sa akin sa Dumbea (maliit na bayan na di kalayuan sa kapital) at doon ako lumipat. Maniwala kayo o hindi, napakalaking diperensya sa luho na napagdaanan ko noon. Walang kubeta, walang shower at lahat ng bagay ay nasa labas !!

Nasanay akong tumira sa napakagarbong apartment sa pinakamagarbong lugar sa Perpignan, timog ng France, na may magandang sasakyan at maraming pera na hindi ko alam kung papano ko gagastusin, dating may-ari ng mga kompanya at share holder pa, ngayon nakatira ako sa kubo na walang modernong kagamitan sa gitna ng niaoulis and bois-de-fer (New Caledonian species of trees).

Ngunit inangkop at tinanggap ko ang sitwasyon dahilan sa mas masahol pa ang naranasan ko kaysa sa ngayon na nakilala ko na ang panginoon.

Madalas akong pumunta sa ilog 3 kilometro ang layo mula sa tinitirahan ko, at nakatingala ako sa langit at sinasabi:

Panginoon gabayan at baguhin mo ang sarili ko at ilagay mo ako kung saan ako dati.

Ang mga bagay-bagay ay nagbago. At nagpupunta na rin ako sa simbahan at nakilala ko ang mga kristiyano na napakasaya. Nagkaroon ako ng kapayapaan ng sarili at nararamdaman ko ang magandang pakiramdam sa sarili ko pero nakadama pa rin ako ng pagka alipin sa maraming bagay. Naninigarilyo pa rin ako at nakakaubos pa ng dalawa o kaya’y tatlong kaha ng sigarilyo sa isang araw at nagkaroon pa rin ako ng sakit na nararamdaman sa dibdib ko dahilan sa nawasak kong nakaraan. Mabuti na lang at nandiyan pa rin ang Panginoon na gumagabay sa akin araw-araw.

At ako’y humingi ng kapatawaran sa Kanya na siya lang ang nakakapagpatawad sa aking mga kasalanan, siya na nagbigay sa kanyang buhay ng walang atubili para lang iligtas niya ako. Ngayon nagsasalita na ako ng tungkol kay Hesus na Tagapagligtas at Panginoon ko kung saan ko isinuko ang aking sarili, at sa araw na isinusulat ko ang testimonya ko, na nagpabagong buhay sa sarili ko para maibalik ang dati kong buhay. Siya ang nagpalaya sa akin sa pagkagumo na nagkulong sa akin at masasabi ko na siya ang nagligtas sa akin sa impiyerno kung saan ako nalulong.

Sa ngayon, dahil sa magandang pakikitungo ko kay Hesus, kumpleto na akong nakalaya sa kadena na magdadala sa akin sa kamatayan.

« Ibinalik ng Diyos ang mga nawala sa akin »

Binigyan ako ng Diyos ng bagong kahulugan ng aking buhay. Binigyan niya ako ng kahanga-hangang asawa na nagbigay sa akin ng dalawang anak na babae.

.

Tumira ako sa New Caledonia ng 20 taon hanggang ngayon, at nagsisilbi ako sa Panginoon sa aking simbahan. Pero meron pa akong ibang pangako na haharapin. Tinatawag ako ng Panginoon na saksihan ko ang lahat-lahat na nagawa niya sa akin at ipapahayag ko sa buong mundo, sa lahat ng oras.

Ang mga naisulat ko ay ipinakikita lamang ang ilang mga parte ng mga nagawa ko, sapagkat ang mga sumisindak na karanasan kong paghihirap sa buhay pero ang Diyos na
siyang nagpabago sa akin ng sobra sobra at inilayo niya ako sa walang hanggang kamatayan.

Noong 2008, naglakbay ako sa buong France, binisita ko ang aking ama, na binalaan ko na papatayin noong ako ay 7 gulang pa lang, kung maalala niyo? Pero iba ang nangyari, niyakap ko siya at hinalik-halikan at pinatawad ko siya ng buong-buo. Ngayon nag-uusap na kami palagi at nawala na ang galit at hinanakit ko sa kanya. Kabaligtaran, minahal ko rin siya sa kabila ng mga paghihirap na dinanas ko na hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin.

Diyos lamang ang maaring magpatupad sa lahat ng pagbabagong ito.

Pinalitan Niya ang galit sa totoong pagmamahal. Sino kaya ang magsasabi na ang mga pagbabagong nagaganap sa lahat ng pangyayaring ito? Pero siguradong alam ko, na kung hindi ko tinanggap si Hesus sa aking buhay, wala na kayo dito na nagbabasa sa istorya ng aking buhay dahil intolerable na ako, masyadong maraming pang-aapi at kawalan ng katarungan at nabigyan ko na ng wakas ang lahat ng ito.

Ngayon, gusto kong tugunan ang lahat ng mga magbabasa sa aking istorya at sa mga espesyal na tao na napupunta sa malalim na paghihirap, malalim na kalungkutan, maramdaman ang kamatayang unti-unting dumarating, na nakasalalay sa pamamagitan ng ibat-ibang bisyo, na hindi ka puwedeng umalis na nag-iisa, gaya sa sinasabi sa Bibliya sa Epeso 6:12 « Sapagkat ang mga kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, may mga kapangyarihan, at mga tagapagmahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito– ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid ».

Hindi Kung tayo pag-aari ng kasama Diyos wala tayong lakas na lumaban kontra sa puwersa ng kadiliman, pisikal at espirituwal na kamatayan ang naghihintay sa atin.

Ngunit kung ikaw ay bumaling sa Panginoon ng buong buo at hilingin sa kanya na siya ang gagabay sa iyo at
ipakita sa iyo ang paraan, upang dalhin ang iyong buhay sa kanyang mga kamay at malaya sa pagkaalipin, at dito mo masasabi na ang mga kamay ng Diyos ay nakabukas
para sa iyo at susunggaban kang maging malaya. Huwag mawalan ng pag-asa, ano mang kasamaan ang dumaan sa iyong buhay, ay ibibigay sa iyo ng Diyos ng buong tagumpay.

Sa ngayon, gusto kong tugunan lahat ng may mga karamdaman dahilan sa mga sakit. Kayo rin, dapat ay isuko niyo ang inyong mga buhay sa ating Panginoon. Siyempre, hindi natin kontrolado ang ating hinaharap at pag tayo’y mawawala sa mundong ito, dapat nating tanggapin pero ang Diyos ay nagbigay sa atin ng kanyang
mga pangako na kung ang ating buhay ay hindi pa dumating ang oras, dapat hinahawakan natin ang mga salita ng Diyos gaya sa sinabi ni Isaias 53.4-5 « Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma’y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.5Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo ».

At sa: Awit103.1-6

« Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma’y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. 2Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa. 3Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang nagpapagaling ng iyong lahat na mga sakit; 4Na siyang tumutubos ng iyong buhay sa pagkapahamak: na siyang nagpuputong sa iyo ng kagandahang-loob at malumanay na mga kaawaan: 5Na siyang bumubusog sa iyong bibig ng mabuting bagay; Na anopa’t ang iyong kabataan ay nababagong parang agila. 6Ang Panginoon ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa, at ng mga kahatulan na ukol sa lahat na naaapi”.

Hilingin mo kay Hesus na bisitahin ang iyong katawan at palayain lahat ang iyong mga sakit. Maniwala ka at magtiwala dahil ito ang mga pangako niya na dapat mong masaksihan sa iyong buhay. Hintayin mo lang na magampanan ng Panginoon ang kanyang mga ginagawa na nakasulat  » 26Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon”
Lamentations 3:26.

Sinasabi ko ito sa inyo na may matibay na paniniwala dahilan sa naranasan ko ang mahiwagang pagpapagaling ng maraming beses sa aking buhay. At gusto kong tapusin ang librong ito para maibahagi ko ang aking testimonya ng buhay.

Noong 2005, nagkaroon ako ng malubhang sakit. Malubhang sakit sa leeg at nagtagal ng ilang araw sa aking higaan na hindi makabangon. Pagod na pagod at sobrang masakit ang nararamdaman ng aking utak na dahilan ng hindi ko na rin maimulat ang aking mga mata, dahil sa sobrang liwanag na sumisilaw na nagpapalakas sa sakit. Ginugol ko ng ilang mga araw na walang kinain at walang laman ng aking tiyan.

Nagkaroon din ako ng pagkawala ng memorya, na kahit araw ay hindi ko na maalala, nalilito ako at naramdaman ko na lang na nahihirapan na rin akong magsalita.

Ang panganay kong anak ay tinawag ang aming doktor sa aming pamilya at dali dali namang dumating sa aking kinaroroonan. May hinala siya na mayroon akong tumor sa utak at dinala niya ako sa hospital kung saan ako nagkaroon ng iba’t ibang eksaminasyon (scanners, lumbar punctures etc…)

Makalipas ng ilang oras, isang doktor ang lumapit sa aking asawa na nasa tabi ko at ibinigay ang resulta ng aking mga eksaminasyon, na « herpetic meningoencephelitis ». Nakipag-usap siya sa akin at sinabi na sobrang napakaseryoso ang aking sakit na kinakailangan kong uminom ng napakalakas na antibiotics para sa 15 araw. Hindi siya makapagbigay ng pabala at hindi makapagpahayag kung meron malubhang epekto ang kanyang ibibigay na mga gamot.
Bago matuklasan etong uri ng nakamamatay na sakit na
meningitis ay 70% ang namamatay at ang nabubuhay ay nagkakaroon ng matinding epekto sa pag-iisip.

Ako at ang aking asawa ay naghihinala na ang doctor ko at ang neurologist ay hindi nagsasabi sa amin ng totoo kung ano talaga ang katototohanan sa sakit na kumapit sa katawan ko. Ang kabuuang paghihiwalay nila sa akin ay naramdaman ko na napakaseryoso talaga ang kumapit na sakit sa katawan ko.

Inilagay nila ako sa napakaliit na kuwarto kung saan nila gagawin ang kabuuang paghihiwalay. Ang mga nars at lahat ng pumapasok sa kuwarto ko ay naka maskara at naka guwantes at doon ko naramdaman na parang sobrang nakakahawa ang aking sakit.

Mag-isa lamang ako sa napakahabang oras, kaya ginawa ko lahat at hiniling ko kay Hesus na aking Tagapagligtas na pagalingin niya ako. Mapayapa ako kahit ano ang nangyayari sa kapaligiran.

Pagkaraan ng ilang araw, inilipat na naman nila ako sa ibang serbisyo at inilagay sa neurology department kung saan nakilala ako ng isang doctor dahilan sa aking trabaho.

Inalagaan niya akong mabuti at sinasabi lahat sa akin ang mga ibinibigay niyang klase ng mga gamot at kung ano ang mga naitutulong nito sa aking kalagayan. Hindi rin niya itinago ang kanyang pag-alala tungkol sa diyagnosis na nagawa na, dahilan sa may mga hindi klaro sa resulta nito.

Pagkaraan ng mga araw, ang aking pamilya at ang mga Kristiyano ay nananalangin sa ating Panginoon sa madalian kong paggaling.

Sa departamento kung saan ako inilagay, bumubuti ang aking pakiramdam at ang grupo ng medisina na nag-aasikaso sa akin ay nasisindak na makita ang madaliang pagbawi ng aking kalusugan. Pagkatapos ng dalawang linggo na pagpapagamot ko, bumuti na ang aking pakiramdam. Parang walang nangyari sa akin at alam ko
at ang aking pamilya na lubos akong pinagaling ng aking Panginoon.

Pero hindi pa rin ako pinayagan ng doctor na uuwi. Ipinipilit niya na pupunta pa ako sa Australia para magpa MRI para masiguro na walang masamang epekto ang mga ibinigay na mga gamot at kung talagang lubos na nakumpleto ang aking pagpapagaling.

Kung puwede lang ako at ang aking asawa ay hindi na pupunta, at walang pagdududa ang paggaling ko pero iginigiit niya at hindi na nagbigay ng pagpipilian.

Pagkaraan ng ilang araw, lumipad na kami papuntang Australia, at doon kumuha na naman ako ng iba’t-ibang eksaminasyon, at sa hindi inaasahan, ang Propesor na nagdala sa amin na nagbasa sa resulta ng MRI ko, ay idineklara na wala ng tanda ng meningitis o masamang epekto sa aking katawan. Hindi kami nasorpresa sa sinabi niya at buong puso naming alam na ang Diyos ang siyang ganap na nagpalaya sa akin. Isang bagay ang gusto kong gawin ng ako’y nakaupo sa opisina ang sumigaw ng malakas “Salamat po Panginoon… napakabuti mo sa akin”.

Ito ang paraan kung paano natin palalayain ang dating mga sakit sa katawan. Kung me tiwala ka sa Kanya, at naniniwala kang naririnig ka Niya, at kung kalooban Niya, Diyos lang ang maaaring gumawa.

Kung pahihintulutan ako ng Diyos, ibabahagi ko sa madaling panahon sa ibang libro kung papano pinagaling ng Diyos ang aking anak na babae na bumalik ang kanyang buhay nang siya’y namamatay sa aking mga braso. At marami pang mapaghimala at makalangit na pagpapagaling.

Sa pagtatapos ng mga sandaling kasama ko kayo, gusto kong makipag-usap kayo sa Diyos simpleng paraan gaya ng ipinakita ko sa inyo.

Kung ngayon, ay nagtitiis ka, kung nakatali ka sa bisyo droga, alkohol, tomboy/bakla, f today, you are suffering, if you are bound by passions and vices, it could be by drugs, alcohol, homosexuality, pagkamataas, selos, prostitusyon,at iba’t-ibang klaseng bisyo, iniimbitahan ko kayo na bumalik kay Hesus, simple lang, gaya ng ginawa ko noong nalunglong ako sa kadiliman na aking naranasan, ibigay mo lang ang iyong sarili sa kanya, ibigay mo ang iyong puso at humingi ka ng kapatawaran sa mga kasalanan mo na naghiway sa kanyang pagmamahal at ang kanyang presensiya.

Ang masasabi ko sa inyo si Hesus lang ang puwedeng magpapabago sa iyong buhay.

Sabihin mo ito « Diyos na makapangyarihan, Hesus na aking tagapagligtas, halika at tulungan mo po ako. Ikaw lang ang nakakakilala sa akin at wala ng iba, dahilan sa ikaw ang lumikha sa akin. Alam mo ang aking paghihirap, puntahan at lubayan mo ako sa lahat ng nakatali na nagpapalayo sa akin na mapunta sa Iyo. Baguhin mo ako na parang bagong nilalang, patawarin mo lahat ng aking mga kasalanan at gabayan mo ako hanggang sa huling araw ko dito sa mundo. Nananalangin ako sa makapangyarihang pangalan ni Hesus . Amen.

Gusto kong tapusin ang librong ito at hinahandog ko sa aking Panginoong Maykapal , ang Diyos na walang hanggang nagpapahayag kay Hesukristo na nagligtas sa akin sa kapahamakan at kadiliman. Alalahanin nating mabuti na Siya ang nagbigay buhay sa mundong ito para tayo ay mabuhay.Wala sana akong naisulat kung hindi dahil ke Hesus na siyang nagpabago sa akin. Sa ngayon, ako na ang pinakamasayang tao, masasabi kong eksperimento ang pagbabagong silang ko gaya ng mga nabasa niyo at sa ngayon maligaya akong nagsisilbi sa ating Paginoon.

Syempre, nagkakaroon tayo ng mga sandaling
nahihirapan tayo sa buhay dahil sa problema at walang katarungan dito sa mundong eto pero ang kapayapaan na galing kay Hesus ang nagbibigay sa atin ng totoong kasiyahan na alam natin at ang kasiguruhan na nanggagaling sa ating Puong Maykapal na tumutulong ay siyang garantiya ng magandang buhay sa piling Niya.
John 3:16 « Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. »

« 20Kami nga’y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo’y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo’y makipagkasundo sa Dios! »
2 CORINTO 5.20

Ang Pagtatapos ng aking Testimonya

Pwede mong kopyahing libre:
Tagalog version free download
English version free download
http://wp.me/p8FpW3-y

Makakakuha ka ng libreng Bibliya dito :
BIBLIYA Tagalog Holy Bible Pumili ng isang aklat ng Banal na Bibliya sa Tagalog

Kung gusto niyong magtanong. Kailangan mo ang tulong. At kung gusto mong makakilala ng mga pagbabago o kaya’y kunin ang detalye ng aming simbahan, kontakin niyo ako.
Sa aking e-mail : wt.immobilier@lagoon.nc
O kaya sa sulat : William THERON BP 14514 98803 Nouméa Nouvelle Calédonie.

Sa aking Simbahan : Eglise évangélique Nouméa Nouvelle Calédonie
Pwede kayong magpadala ng kahilingang makipagkaibigan sa Facebook para maibahagi ang mga hiwaga ng Diyos.
https://www.facebook.com/william.theron.7

Contact:

TRA BI ZEHE Zehe Gyslain
Email : zehegyslain@hotmail.com
Phone :09474890962

Votre commentaire

Entrez vos coordonnées ci-dessous ou cliquez sur une icône pour vous connecter:

Logo WordPress.com

Vous commentez à l’aide de votre compte WordPress.com. Déconnexion /  Changer )

Photo Facebook

Vous commentez à l’aide de votre compte Facebook. Déconnexion /  Changer )

Connexion à %s

Ce site utilise Akismet pour réduire les indésirables. En savoir plus sur la façon dont les données de vos commentaires sont traitées.